51% ng mga Pilipino ang pabor na panagutin si Duterte para sa mga namatay sa war on drugs

Maraming Pilipino ang naniniwalang dapat papanagutin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga patayan kaugnay ng kanyang war on drugs, ayon sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa isinagawang survey noong Pebrero 15-19, 51% ang sumang-ayon na dapat managot si Duterte, habang 25% lang ang hindi sang-ayon. Ang natitirang 24% ay undecided o walang opinyon.
Pinakamataas ang suporta sa Visayas (62%), kasunod ang Luzon (49%), Mindanao (47%), at NCR (45%). Mas maraming taga-probinsiya (52%) ang pabor sa pananagutan ni Duterte kumpara sa mga nasa lungsod (48%).
Samantala, hawak na ng International Criminal Court (ICC) si Duterte matapos siyang dumating sa The Hague noong Marso 12. Nakabinbin ang pagdinig sa Setyembre 23 kung saan tatalakayin ang mga kaso laban sa kanya. | via Allan Ortega | Photo via PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *