50% student discount sa MRT, LRT, naisulong na

50% discount na ang maaaring makuha ng estudyante sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3 simula ngayong araw, June 20, 2025, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ito ay kasabay ng utos ng Pangulo na tulungan ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagbawas-pasahe.

“Ang directive ng Pangulo, magdagdag tayo mg discount sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3. ‘Yung dating 20% discount lang sa mga estudyante, inutos ng Pangulo na gawin nating 50% ang discount ng mga estudyante,” ani DOTr Secretary Vince Dizon.

Dagdag pa ni Dizon, malaking tulong ang direktiba ng Pangulo para sa mga nag-co-commute gamit ang tren.

“Malaking tulong ito sa mga pamilya lalo na sa mga magulang na hirap magpaaral sa kanilang mga anak. ‘Yung matitipid nila, pwede nilang ilaan sa ibang gastusin gaya ng mga project, dagdag nila sa baon, o sa iba pang mga gastusin sa school,”, saad ni Dizon. | via Florence Alfonso | Photo via PCO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *