5 umano’y miyembro ng ‘salisi’ arestado sa NAIA Terminal 3

Timbog ang limang hinihinalang miyembro ng “salisi gang” sa NAIA Terminal 3, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) nitong Miyerkules.

Ayon sa MIAA, kalahati pa lang ito ng sampung suspek na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad mula Abril 28 hanggang Mayo 5 dahil sa sunod-sunod na nakawan.

Modus ng grupo: habang nililito ng isa ang biktima, kinukuha naman ng kasabwat ang gamit — kadalasang cellphone, laptop, at iba pang naiwanang bag.

Nasabat mula sa mga naarestong suspek ang dalawang cellphone at isang laptop.

Kinasuhan sila ng pagnanakaw, pagsuway sa awtoridad, at tangkang pagtakas. Dalawa sa sampung suspek ang nakatakas matapos ang habulan.

Payo ni Col. Bing Jose ng Airport Police: Maging alerto, huwag iwan ang gamit, at agad i-report ang kahina-hinalang kilos sa mga pulis sa paliparan. | via Allan Ortega | Photo via NAIA Terminal 3

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *