Umabot na sa lima ang naitatalang sumuko na sangkot sa hazing rites na ikinamatay ni Kenneth Alcedo, isang 1st year maritime student, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa isang phone interview mula sa Camp Crame, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nasa kustodiya na ng General Trias Police ang apat na myembro ng Tau Gamma Phi, kinilalang sina:
John Lee Tuliao
Archie Rosil
Kenneth Ompod
John Rey Torrecampo
Dalawa sa apat ang iniulat na nagdala mismo kay Kenneth sa ospital. Ayon kay Remulla, sumuko ang mga ito sa otoridad kasama ang kanilang abogado at mga kinatawan mula sa Tau Gamma Phi National Council.
Mayroon pang 13 miyembro ng grupo na sangkot sa hazing na hinihikayat na sumuko at kasalukuyang hinahanap ng mga awtoridad. Binigyan ni Remulla ng tatlong araw ang lahat ng sangkot na sumuko, at binalaan ang mga nagkakanlong na maaari silang kasuhan kung patuloy nilang itatago sa batas ang mga sangkot sa krimen.
Matatandaan na unang sumuko sa otoridad ang driver ng kotse na naghatid kay Kenneth sa ospital. | via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
