5 pulis patay sa ambush sa Maguindanao; hustisya tiniyak ng PNP

Patuloy ang manhunt operations ng Pambansang Pulisya, katuwang ang Armed Forces of the Philippines, laban sa grupo na nasa likod ng pag-atake sa pulisya sa Shariff Aguak noong Marso 28 ng gabi.

Lima ang patay habang tatlo ang nagpapagaling sa ospital matapos silang ambushin ng armadong grupo.

Tiniyak ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., na ibibigay nila ang hustisya sa limang nasawi at ang kinakailangang suporta sa tatlong nakaligtas mula sa 2nd Provincial Mobile Force Company.

Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Randulf Tuaño, local terrorist group ang tinitingnang nasa likod ng ambush, kung saan hindi bababa sa 10 armadong lalaki ang nagpaulan ng bala sa mga tropa ng pulisya.

Sa ngayon, maayos na ang kalagayan ng tatlong pulis na nakaligtas, habang patuloy ang manhunt operations laban sa mga suspek.

Ipinahayag din ni Gen. Nartatez ang kanyang pakikiramay sa mga pamilyang naiwan at tiniyak na lahat ng kinakailangang suporta ay ibibigay sa kanila. | via Allen Ibañez, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *