5-mins response sa emergencies, target ng MMDA

Pinaigting ng Metropolitan Manila Development Authority ang promosyon ng kanilang Metrobase 136 hotline, na may target na 5-minute response sa mga road emergency, sa pangunahing kalsada ng Metro Manila.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni MMDA General Manager Nicolas Torre III na maaaring tumawag ang mga motorista sa (02) 136 para sa agarang tulong sa minor collisions, stalled vehicles, at iba pang traffic-related incidents.

Ayon kay Torre, mas pinabilis na ang koordinasyon sa pagitan ng Metrobase operators at mga responder sa kalsada.

Paliwanag ng MMDA official, habang papunta ang enforcers sa lokasyon, agad na nire-review ng command center ang CCTV footage upang makatulong sa pagtukoy ng pananagutan at mapabilis ang pag-proseso ng insurance claims.

Target din ng MMDA na ma-clear ang kalsada sa loob ng 10 minuto upang maiwasan ang matinding trapiko.

“Hihingiin na lang ang inyong social media account messaging para maipadala ang clip na iyon sa inyo para makatabi na within 10 minutes, gusto natin clear na kaagad ang kalsada” —GM Torre

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *