5 kandidato para sa susunod na PNP Chief

Limang mataas na opisyal ang sinasabing pinagpipilian para pumalit kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil, na matatapos ang termino sa Hunyo 7. Labanan ito ng mga alumnus ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA).

Nangunguna mula sa PMA si Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. (PMA Class ’92), dating NCRPO chief at Ilocos Norte top cop. Kasama rin si Lt. Gen. Bernard Banac (PMA ’92), dating SAF commander at Eastern Visayas police head. Kilala siya sa pagtutok sa halalan sa BARMM at pagiging dating tagapagsalita ng PNP.

Mula naman sa PNPA, tumitindi ang laban kay Maj. Gen. Nicolas Torre III (PNPA ’93), CIDG chief na namuno sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pastor Apollo Quiboloy. Siya rin ang nagpasimula ng “five-minute response time” sa Quezon City.

Kasama rin sa listahan si Lt. Gen. Edgar Alan Okubo (PNPA ’92), chief of directorial staff, na nangangasiwa ngayon sa kaso ng pagdukot at pagpatay kay Anson Que. Huli sa listahan si Maj. Gen. Anthony Aberin (PNPA ’93), NCRPO chief na nagsisiyasat ngayon sa kapalpakan ng 28 police commanders.

Ayon kay Marbil, kampante siyang may kakayahan ang sinumang pipiliin. “May kanya-kanyang lakas at kahinaan ang bawat isa, pero lahat sila ay karapat-dapat,” aniya. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *