5 Bagong Black Hawk helicopters, ibinida ng PAF

Limang bagong S70-i Black Hawk helicopters ang dumating sa bansa ngayong buwan, ayon sa Philippine Air Force (PAF). Ayon sa tagapagsalita ng PAF na si Col. Maria Christina Basco, gaganapin ang acceptance, turnover at blessing ceremony sa Villamor Air Base, Pasay City sa November 6, 2025.


Naideliber ang mga helicopter noong October 20. Sa ngayon, may 30 Black Hawk na ang PAF, at 17 pang karagdagan ang inaasahang darating sa mga susunod na taon.


Ayon sa dating PAF spokesperson na si Maria Consuelo Castillo, 10 Black Hawk ang darating bago matapos ang taon kasama na ang limang bagong dating habang 7 pa ang paparating sa kalagitnaan ng 2026.


Naglaan ang gobyerno ng ₱32 bilyon para sa pagbili ng mga helicopter na gawa ng PZL Mielec mula Poland, bahagi ng Lockheed Martin ng Amerika.


Plano rin ng PAF na i-upgrade ang endurance ng mga chopper sa pamamagitan ng paglalagay ng auxiliary fuel tanks upang mas tumagal sa mga misyon lalo na sa West Philippine Sea. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *