Pinangangambahan ang kaligtasan ng ilang Pinoy domestic workers sa hongkong matapos sumiklab ang isa sa pinakamalaking sunog doon.
44 na ang nasawi sa sunog sa Wang Fuk apartment complex habang higit dalawandaan ang hinahanap pa.
Pito naman ang nasa kritikal na kalagayan.
Ang apartment complex ay may walong tore na may 31 storeys at 2,000 residential units kung saan nagtatrabaho ang maraming Pinoy bilang domestic worker.
Patuloy na inaapula ang sunog na umabot sa Level 5.
Pero batay sa anunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) bandang alas-7 ng umaga nitong Huwebes, November 27, wala pa umanong kumpirmadong bilang ng nasawi o na-trap na Pinoy sa naturang sunog.
Tinututukan nila ngayon ang 279 na residente na patuloy na hinahanap ng Hong Kong authorities. | via Ghazi Sarip
