42 Undocumented Chinese Nationals, nahuli sa Alabat Island, Quezon

Inaresto kahapon (Abril 9, 2025) ang 42 undocumented Chinese Nationals sa isang private beach resort sa Barangay Villa Norte, Alabat, Quezon. Ang operasyon ay pinangunahan ng PAOCC, Bureau of Immigration, at Police Regional Office 4A sa pangunguna ni Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas.

Ayon sa report, kinuha ang mga Chinese nationals para magtrabaho sa Alabat Wind Power Corporation, na pagmamay-ari ni dating Energy Secretary Vince Perez.

Nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad tungkol sa pagdagsa ng mga Chinese nationals papunta sa isla at itinatago sa resort na hindi pinapayagan ang ibang turista. Nasa kustodiya ngayon ng Police Regional Office 4A ang mga nahuling dayuhan para sa proper documentation at biometrics.

Inaalam ng PAOCC kung kabilang sila sa mga nakaligtas na POGO workers mula sa mga naunang operasyon laban sa ilegal na POGO hubs. | Koi Hipolito, contributed story | Photo Courtesy of Calabarzon PNP

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *