Mahigit 40,000 overseas Filipino workers ang stranded sa Maynila kasunod ng deployment ban sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Bahrain, Oman, Qatar, Israel at Lebanon.
Ayon sa ulat, ang mga OFW ay kasalukuyang nasa accommodation centers, probinsya, o hindi nakabalik sa trabaho dahil sa kakulangan ng flight.
Sa ngayon, higit 4,000 OFWs at kanilang pamilya na ang na-repatriate ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Inaasahan namang posible pang humina ang deployment sa Middle East sa mga susunod na buwan dahil sa problema sa oil production.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng pamahalaan ang tulong sa mga repatriated OFWs kabilang ang financial aid, pagkain, at transportasyon pauwi sa kanilang mga probinsya.
