$400-M pautang ng ADB para sa social protection program ng Pilipinas

May bagong patak ng pera para sa laban kontra gutom! Pinondohan ng Asian Development Bank (ADB) ng tumataginting na USD400 milyon (mahigit ₱23 bilyon) ang Pilipinas para tulungan labanan ang gutom, kakulangan sa pagkain, at malnutrisyon.

Pasok dito ang proyektong Reducing Food Insecurity and Undernutrition with Electronic Vouchers, na susuporta sa flagship program ng gobyerno “Walang Gutom” Food Stamp Program. Target ang 750,000 gutom na kabahayan ang mabibigyan ng monthly e-vouchers para may pambili ng masustansyang pagkain.

Ayon kay ADB big boss Pavit Ramachandran, halos kalahati ng mga Pinoy, hirap pa ring makakain ng tama kaya raw malaking tulong ang food vouchers para makabawi sa nutrisyon. Bonus pa, may monthly nutrition classes para mas maging “healthy-literate” ang mga benepisyaryo.

Hindi lang ADB ang sponsor may dagdag na €200M mula sa Agence Française de Développement at USD150M mula sa OPEC Fund.

May trial run na ito mula Dec 2023 hanggang July 2024 sa limang lugar, kasama pa ang World Food Program. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *