4 personalidad sa flood control project scam, pasok sa WPP

Apat na personalidad ang pasok na sa witness protection program ng Department of Justice (DOJ) para sa mga kasong may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects.

Kabilang sa mga tatayong state witness ay sina dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo, Bulacan District Engineer Henry Alcantara at Regional Director Gerard Opulencia.

Pasok din bilang state witness ang may-ari ng SYMS Construction na si Sally Santos.

Samantala, hindi naman kwalipikado bilang state witness sina DPWH Assistant District Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Hindi sila nakitaan ng sapat na dahilan para maisailalim sa witness protection program.

Matatandaang ilan sa mga personalidad ang nagsauli na ng milyon-milyong pera sa DOJ bilang tanda ng kanilang pakikipagtulungan sa gobyerno.

Paglilinaw ni DOJ Secretary Fredderick Vida, hindi porket nagbalik ng pera ay abswelto na.

Sa ngayon, nasa higit P316 milyong na ang naisauli sa DOJ ng mga indibidwal na sangkot sa isyu ng flood control. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *