4 na ang patay at 38 pa ang kasalukuyang nawawala sa paglubog ng isang ferry na KMP Tunu Pratama Jaya sa Bali, Indonesia, kagabi, July 2.
Ang nasabing ferry ay patungo sana sa isang resort sa Bali at umalis mula sa isla ng Java, Indonesia, bandang 11 p.m.
Tinatayang hindi aabot ng isang oras ang dapat na tagal ng biyahe ng ferry, ngunit bandang 11:30 p.m., ito ay tuluyang lumubog sa madilim na katubigan ng Bali.
May sakay na 65 katao ang ferry, 53 dito ay mga pasahero, habang 12 naman ay mga crew members. Naglalaman din ang ferry ng halos 20 sasakyan.
Nailigtas na ang 23 katao sa insidente, ayon sa pinakahuling ulat ng awtoridad, gamit ang 10 bangkang sinuong ang mga alon na may taas na 6.5 feet.
Ang KMP Tunu Pratama Jaya ay ang ikalawang ferry na lumubog sa Bali ngayong buwan. | via Clarence Concepcion | Photo via ShipSpotting
#D8TVNews #D8TV