Patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad ang apat pang indibidwal na may warrant of arrest kaugnay sa anomalya sa flood control project sa Oriental Mindoro.
Sa press biefing nitong Lunes, November 24, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secrtary Jonvic Remulla na mahuhuli sila kahit nagtatago sila sa loob o sa labas man ng bansa.
Pinaniniwalaang nasa ibang bansa na sina:
Sunwest President and Chairman of BOD Aderma Angelie Alcazar na nasa New Zealand
Sunwest Treasurer at Board of Directors Member Cesar Buenaventura na nasa New York
DPWH OIC Chief Planning and Designing Division Montrexis Tamayo na nasa Jordan
Habang hindi pa tukoy ang eksaktong kinaroroonan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Hinikayat naman ni Remulla ang mga ito na magpunta sa mga embahada ng Pilipinas kung nasaang bansa sila naroroon para sumuko.
Nagbabala rin ang kalihim na kasamang mananagot sinuman ang tumutulong sa kanila na magtago.
“No matter where you are in the world, we will find you. If you are at large, we will find you. If you are hiding in the Philippines, we will find you,” ani Remulla.
Sa ngayon, pito sa mga akusado na ang hawak ng awtoridad kung saan anim dito ang sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) habang isa ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI). | via Alegria Galimba
