4 na pusher, timbog sa Zambales

Arestado ang apat na hinihinalang tulak at gumagamit ng ilegal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay Calapandayan, Subic Zambales kamakailan.

Kinilala ang pangunahing suspek na si alyas Aida, 62-anyos, umano’y tagapangalaga ng drug den. Kasama niyang naaresto sina alyas Eni, 51, Drew, 28, at Win, 58. Narekober ng PDEA ang tinatayang sampung gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 68 thousand pesos, kasama ang drug paraphernalia at buy-bust money.

Ayon sa mga awtoridad, isinailalim na sa pagsusuri sa PDEA laboratory ang mga nakumpiskang droga. Ang mga suspek naman ay pansamantalang nakakulong sa detention facility ng PDEA sa San Fernando, Pampanga.

Sa ngayon, nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kabilang ang Section 5 o pagbebenta ng droga at Section 6 o pagpapatakbo ng drug den. Mga kasong may parusang habambuhay na pagkakabilanggo at multa na mula kalahating milyon hanggang sampung milyong piso. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via PDEA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *