4 na pulis, kinasuhan matapos mapatay ang isang “Person Under Police Custody” sa Camarines Sur

Sinampahan ng reklamong homicide ang 4 na pulis matapos mapatay ang isang Person Under Police Custody habang ibinabyahe ito mula Pasig City patungong Catanduanes nitong Pebrero 6.

Ayon kay Del Gallego Police Station Chief, Capt. Bernie Undecimo, habang ibinabyahe ang 2 PUPC ng 4 na personnel ng San Miguel Police Station naki usap ang isa sa mga preso kung pwedeng huminto sila upang umihi.

Tumigil ang sasakyan sa may bahagi ng Del Gallego sa Camarines Sur kung saan inalisan ng posas ang PUPC ng pulis upang umihi, pagtapos maalisan ng posas dito na siniko at sinipa ang pulis dahilan upang sumalubsob ito sa sasakyan at maagaw ng preso ang service firearm nito na Galil Rifle.

Pagtapos maagaw ang baril, sinubukang kalabitin ng PUPC ang gatilyo ng baril ngunit hindi ito pumutok dahil hindi chamber loaded ang baril ng pulis, dito na tumakas at nagkaroon ng habulan kung saan tumakbo ang naturang preso sa gubat.

“So ayon naagaw yung service firearm yung Galil rifle. So nag-attempt siya na ikalabit yung baril so hindi naman pumutok kasi wala daw chamber load. So lumabas siya pagkakita doon sa isang PUPC tinutukan din saka yung ibang pulis na andun so ang ginawa nila is nagsipagdapaan sila tapos tumakbo na siya papunta doon sa may gubat. So naghabulan na sila doon hanggang sa nagkaputukan. “, ani Undecimo.

Nagkaroon ng palitan ng putok ang otoridad at ang preso kung saan 3 tama ng bala ang tumama rito dahilan ng kanyang pagkamatay.

Dagdag pa nito, “Based sa autopsy, 3 bala ang tumama sa PUPC, 1 sa shoulder, 1 sa chest at isa sa head”.

Matapos ang insidente agad na isinailalim ang 4 na pulis kabilang ang namatay na preso sa paraffin test at lumabas na nag negatibo ang mga ito.

Isinampa naman kahapon ng misis at 2 anak ng namatay na preso ang kasong “homicide” sa 4 na pulis dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa.

Sa ngayon, naka restrictive custody ang mga sangkot na pulis habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Police Regional Office 5 sa kaso.

Tiniyak naman PRO 5 ang publiko na magiging tapat at patas sila sa isinasagawang imbestigasyon sa nangyareng insidente. | via Allen Ibañez, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *