4 impeachment complaints vs. VP Sara, na-irefer na sa Committee on Justice

Pormal nang ini-refer ng House of Representatives, sa committee on justice ang apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. 

Isinagawa ang referral sa plenaryo sa pangunguna ni Deputy Speaker Ferjenel Biron at ipinasa sa komiteng pinamumunuan ni batangas rep. gerville luistro.

Dahil dito, umiral na ang isang taong pagbabawal sa paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa bise presidente, alinsunod sa konstitusyon.

Ang mga reklamo ay inihain ng makabayan bloc, mga grupo ng civil society, mga pari at abogado, at ng abogadong si nathaniel cabrera.

Kabilang sa mga alegasyon ang umano’y maling paggamit ng confidential funds, hindi tamang pagdedeklara ng yaman sa saln, pagkakaroon ng ill-gotten wealth, at pagbabanta umano laban kina pangulong ferdinand marcos jr., first lady liza araneta-marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

May hanggang 60 session days ang committee on justice para magsagawa ng pagdinig at magsumite ng rekomendasyon sa plenaryo.

Kakailanganin ang boto ng hindi bababa sa one third ng 316 na miyembro ng kamara para umusad ang articles of impeachment sa senado para sa paglilitis. | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *