


Isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8M nasamsam sa buy-bust operation ng PDEA at PNP sa Quezon City! Apat na high-value target na sina alias Ron-Ron, Jay-Jay, Ken, at Jap ang arestado matapos mahulihan ng mga plastic bags na may lamang iligal na droga.
Bukod sa shabu, nasamsam din ang cellphones, drug paraphernalia, buy-bust money, at ID cards ng mga suspek. Sila ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. | via Lorencris Siarez | Photo via PDEA
#D8TVNews #D8TV