Gaya ng ibang lalawigan ang Negros Occidental ay nangangailangan din ng tulong lalo sa agrikultura, kabuhayan, at edukasyon ayon kay Governor Bong Lacson.



Kaya sa programang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat,” bumuhos ang ayuda sa lalawigan, bigas na P20 kada kilo, P89.7 milyon na halaga ng suporta sa mga magsasaka, P2.6 milyon payout para sa mga nawalan ng trabaho, halos P4 milyon loan at financial aid para sa maliliit na negosyo, at P2 milyon training allowance para sa mga iskolar. Hindi rin nakalimutan ang OFWs na nakatanggap ng tig-P5,000 tulong pinansyal.



Ayon kay Governor Eugenio Jose Lacson, higit pa sa regalo ang mga ito, isang hakbang tungo sa mas maayos na buhay ng mga Negrense. | via Ghazi Sarip, D8TV News |
