Nagtapos ang 37 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Leyte Regional Prison ng kanilang senior high school education sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na isinagawa sa Cagbolo Senior High School.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), ang pagtatapos na ito ay sumasalamin sa matagumpay na repormasyon at rehabilitasyon ng mga PDLs sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon at pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan. Kinumpirma nina Lea A. Robin, EdD, Public Schools District Supervisor ng Abuyog South District, at Mariza S. Magan, EdD, CESO V, Schools Division Superintendent ng Division of Leyte, na ang mga nagtapos ay nakasunod sa pambansang pamantayan sa edukasyon.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BuCor na bigyan ng bagong pagkakataon ang mga PDLs sa pamamagitan ng edukasyon, na maaaring maging daan sa kanilang reintegration sa lipunan. | via Dann Miranda | Photo via Bureau of Corrections
#D8TVNews #D8TV