34 missing sabungeros, patay na at itinapon sa Taal lake; Suspek, handang magsalita

Patay at umano’y itinapon pa sa Taal Lake sa Batangas ang ang mga bangkay ng 34 na nawawalang sabungero na apat na taon nang pinaghahanap.

Ayon sa panayam, kasama ang pamilya ng mga biktima, sa isa sa mga suspek na si alyas “Totoy,” na ngayon ay nais maging state witness sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero.

“Pero kung ako ang tatanungin sa ngayon, mukhang malabo na buhay pa sila…” Pahayag ni Totoy.
“Nakabaon na ‘yan sa Taal Lake, lahat yan, kung huhukuyin ‘yon [bangkay] ay mga buto-buto nalang pa’no natin makikilala na sila ‘yon.” Dagdag pa nito.

Ayon pa kay Totoy, hindi lamang ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero ang itinapon sa Taal Lake kundi pati na rin ang ilang drug lord. Aniya, hindi lang din ang 34 na sabungero ang itinapon sa Taal lake at maaaring higit 100 ang kabuuang bilang nito.

Ibinunyag din ni Totoy kung paano pinaslang at binigti ang mga leeg ng mga sabungero gamit ang tie wire o alambre.

“Killing me softly—yung tie wire, pinipihit sa leeg [ng mga biktima]. Pagpapaliwanag nito.
Ayon sa kanya, ang dahilan ng kanyang pagsisiwalat ay ang mga banta sa kanyang buhay at sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Nakatakdang magsumite si Totoy ng affidavit na naglalaman ng iba pang detalye na ibibigay niya sa mga awtoridad, kasabay ng pagbubunyag ng mga taong umano’y nag-utos sa kanya. | via Clarence Concepcion |

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *