Tatlong weather system ang magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA, na naglabas din ng heavy rainfall outlook para sa Apayao at Cagayan.
Apektado ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang Southern Mindanao, shear line sa silangang bahagi ng Northern Luzon, at ng Northeast monsoon o amihan ang natitirang bahagi ng hilagang Luzon.
Dahil sa ITCZ, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms ang Davao Region, Soccsksargen, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at Palawan.
Ang shear line naman ay magdadala ng maulap na panahon na may kalat-kalat na ulan at posibleng isolated thunderstorms sa Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at Aurora.
Sa amihan, asahan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Batanes at Ilocos Norte.
Samantala, Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies.
Sa hiwalay na heavy rainfall outlook, inaasahan ang 50–100 mm na ulan sa Apayao at Cagayan mula Huwebes hanggang Biyernes, na maaaring magdulot pagbaha at pagguho ng lupa. | via Allan Ortega
