3 weather system, patuloy na nakaaapekto sa bansa

Patuloy na maaapektuhan ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at dalawa pang weather system ang bansa ngayong Miyerkules.


Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at pagkulog-pagkidlat ang ITCZ sa Eastern at Central Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, Soccsksargen, Northern Mindanao, Caraga, Masbate, at Sorsogon.


Bahagyang maulap hanggang maulap naman ang panahon sa Palawan, natitirang bahagi ng Visayas, at Mindanao, na maaari ring makaranas ng mga pulo-pulong ulan dahil pa rin sa ITCZ.


Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panandaliang ulan o pagkulog dulot ng easterlies.


Samantala, ang Batanes at Babuyan Islands ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa amihan o northeast monsoon.


Ang Hilagang Luzon ay makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na hanging amihan at medyo maalon hanggang maalon na karagatan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *