Tatlong miyembro ng US military ang kumpirmadong nasawi habang nagpapatuloy ang opensibang militar ng Estados Unidos laban sa Iran, ayon sa US Central Command.
Nagsimula ang matinding tensyon matapos mag-utos si US President Donald Trump ng serye ng airstrikes na tumarget sa liderato ng Iran.
Matapos mapatay ang Supreme Leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei, gumanti ang Tehran sa pamamagitan ng malawakang pag-atake sa mga base militar ng US sa Middle East.
Itinaas naman ng Iran ang tinatawag na “red flag of revenge” at nagbantang maglulunsad ng mas matinding opensiba laban sa US at Israel.
Iniulat ng Iranian forces ang missile at drone attacks sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Israel, Qatar, Bahrain, Kuwait, Iraq, Oman, at Saudi Arabia.
Patuloy ang palitan ng missile at drone strikes habang hindi pa malinaw ang lawak ng pinsala sa magkabilang panig.
Nananatiling mabilis magbago ang sitwasyon habang nagpapatuloy ang malawakang operasyong militar sa rehiyon. | via Allan Ortega
