Tatlong US Air Force fighter jets ang bumagsak sa Kuwait matapos tamaan ng air defense system ng kaalyadong bansa sa isang “friendly fire incident.”
Ayon sa ulat ng US Central Command (CENTCOM), napagkamalan ng Kuwaiti air defenses na kalaban ang mga eroplanong pandigma ng Estados Unidos habang isinasagawa ang military operations sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East.
Dalawang piloto bawat jet ang sakay ng mga eroplano, at ligtas silang nakapag-eject bago tuluyang bumagsak ang mga ito. Kinumpirma ng mga awtoridad na nasa maayos na kondisyon ang anim na crew members.
Humingi na ng paumanhin ang Kuwaiti defense forces at nagsasagawa na ng imbestigasyon kaugnay ng insidente.
Samantala, patuloy ang pagkalat ng ilang video sa social media kaugnay ng pangyayari. Paalala ng mga otoridad sa publiko na maging mapanuri at umasa lamang sa beripikadong ulat mula sa mapagkakatiwalaang news sources. | via Maria Ampe, D8TV News Intern
