3 senador, pasasampahan ng kaso ng ICI sa susunod na linggo

Isiniwalat ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Chairperson Andy Reyes na irerekomenda ng komisyon sa Ombudsman ang pagsasampa ng kaso sa hindi bababa sa tatlong nakaupo at dating senador na sangkot sa flood control project scam sa susunod na linggo.

Hindi naman ito pinangalanan ni Reyes ngunit iba umano ito sa nauna nang inirekomenda ng ICI ang na sina Senator Joel Villanueva at Senator Jinggoy Estrada.

Samantala, nagsumite ng panibagong rekomendasyon ang (ICI) sa Ombudsman kaugnay sa P74 milyong halaga ng flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bocaue, Bulacan.

Batay sa ulat ng Commission on Audit (COA), napag-alaman na wala talagang imprastruktura ang naitayo sa lokasyong nakasaad sa approved bid plans kahit na nabayaran nang buo ang kontrata sa Darcy & Anna Builders and Trading.

Ipasisilip ng ICI sa Ombudsman kung may posibleng paglabag sa anti-graft at malversation sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, Ernesto Galang at apat na iba pa.

Bukod dito, inirekomenda rin sa Ombudsman na tingnan ang mga paglabag sa Code of Conduct and Ethicals Standards sina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, Undersecretaries Roberto Bernardo at Maria Catalina Cabral dahil sa umano’y kapabayaan sa pagpapatupad ng mga proyekto at maling paggamit sa pondo ng pamahalaan.

Ito na ang ikalimang rekomendasyon ng komisyon sa Ombudsman para matiyak na mapanagot ang mga sangkot isyu ng anomalya. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *