3 sa 7 luxury cars ng mga Discaya, naibenta na ng BOC

Naibenta na ang tatlo sa pitong sasakyan na nakumpiska sa mga Discaya na ipinasubasta ng Bureau of Customs nitong Huwebes, November 20.

Sa public auction ng BOC, nabili ng bidder na Simplex Industrial Corporation ang Mercedes Benz G500 at Mercedes Benz G63 AMG sa halagang P31.11 milyon habang ang Lesentrell Jewelries naman ang nakabili ng Lincoln Navigator L sa halagang P7.1 milyon.

Hindi naman naibenta ang Rolls Royce na may floor price na P45.3 milyon na binili umano ni Sarah Discaya dahil nagandahan ito sa payong na nakatago sa magkabilaang pinto nito.

Wala ring nakabili ng Toyota Tundra, Toyota Sequoia at Bentley Bentayga.

Sa kabuuan, nakalikom ang ahensya ng higit P38.2 milyon mula sa mga naibentang sasakyan.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, mapupunta ang nalikom na pera sa forfeiture fund ng ahensya na ire-remit sa Bureau of National Treasury.

Samantala, ang apat na sasakyan naman na hindi nabenta ay muling i-ischedule para sa re-auction. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *