Tatlo lamang sa sampu o katumbas ng 33% ng mga Pilipino ang nagsabing “very happy” sa kanilang buhay
Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations, sa 1,200 adult respondent na lumahok sa pagg-aaral noong Nov. 2025, 50% ang nagsabing “fairly happy,” 15% ang “not very happy,” at dalawang porsyento ang “not at all happy.”
Sa pagsusuri ng kasiyahan sa buhay, 28% ang “very satisfied,” 51% ay “fairly satisfied,” habang 14% ang “not very satisfied” at 7% ang “not at all satisfied.”
Pinakamataas ang antas ng kasiyahan sa Visayas, na may 40% na “very happy,” sinundan ng Mindanao sa 34%, Luzon sa 32%, at Metro Manila sa 24%.
Ayon sa SWS, mas mataas ang kasiyahan sa mga hindi nakaranas ng “involuntary hunger” at sa mga nakakita ng pagbuti sa kanilang buhay sa nakaraang taon, o umaasang gaganda pa ito sa susunod na 12 buwan. | via Joana Luna, D8TV News
