Pinatawan ng 90 araw na suspensyon ang tatlong opisyal ng Department of Education (DepEd) Division Office sa Palawan dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa ‘items-for-sale’ scheme.
Kabilang sa mga nasuspinde sina Schools Division Supervisor Dr. Elsie Barrios, Brooke’s Point National High School Principal na si Alfredo Labor at Public Schhol District Superintendent Hj. Sonny Boy Taha.
Ayon sa ulat, tumatanggap umano ang mga ito ng pera kapalit ng pag-apruba sa appointment, transfer at promotion sa SDO Palawan.
Paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kinakahanap ng mga opisyal.
Samantala, binigyan naman ng limang araw ang mga respondent para magpaliwanag. | via Alegria Galimba