3 high-value target sa Zamboanga, kalaboso

Ikakalaboso na ang tatlong itinuturing na high-value target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 9 matapos ang isang operasyon sa Barangay Lunzuran, Zamboanga del Sur kamakailan.

Bandang alas-10:30 ng gabi, sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, Philippine National Police at K9 units ang isang bahay sa Resettlement Phase 1, Calle Sagrado.

Narekober ang tinatayang 17 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit ₱115,000, kasama ng iba pang drug paraphernalia.

Nakilala ang mga suspek bilang sina alias Erold, 45-anyos na therapist, alias Joselito, 34, walang trabaho, at alias Joey, 36, isang pintor, pawang mga residente ng Lunzuran.

Nahaharap ngayon ang tatlo sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isang patunay na ang laban ng mga awtoridad kontra droga ay tuloy-tuloy sa pagkamit ng mas ligtas na komunidad. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *