Isang drug den ang nabuwag habang 3 high-value target naman ang arestado sa isang buy-bust operation sa Ligao City, Alba.
Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay at Ligao City police ang operasyon matapos ang matagumpay na bentahan ng ilegal na droga sa pagitan ng mga undercover operatives at mga suspek.
Inaresto ang tatlong indibidwal na kinilala sa kanilang mga alyas: “Pisot,” ang sinasabing tagapamahala ng drug den; “Jojo,” isang empleyado ng drug den; at “Bert,” isang bisita ng nasabing lugar.
Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 15 gramo ng shabu na may tinatayang halagang ₱102,000.
Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa mga kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Allan Ortega
