Sibak ang tatlong opisyal ng Bureau of Immigration matapos mapag-alamang nakapag-record pa ng content ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy habang nakadetine.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, kinumpiska na ang cellphone ng mga opisyal at ibang BI personnel habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Giit ni Castro, walang palalagpasin ang Malacañang at sinumang mapatutunayang nag-abuso sa puwesto ay tatanggalin sa serbisyo.
Lumabas din na ang mga video na kuha ni Vitaly ay ginawa sa mga unang araw ng kanyang pagkakaaresto.
Matatandaang inaresto ang vlogger dahil sa umano’y pambabastos at panggugulo para sa kanyang online content.
Naipa-deport na si Vitaly pabalik sa Russia at tuluyan na ring na-ban sa Pilipinas. | via Ghazi Sarip
