Tatlong bata ang nasawi habang anim ang sugatan matapos sumabog ang mga nakatagong paputok sa isang bahay sa Brgy. Marulas, Valenzuela City nitong Miyerkules ng umaga.
Kabilang sa mga namatay ang kambal na sina Ronamie at Ronalyn Sabili at si Jiford Rey Pormento, 2 taong gulang. Ang anim na sugatan, kabilang ang tatlong menor de edad at kasalukuyang ginagamot sa Valenzuela Medical Center.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagmula ang pagsabog sa mga nakaimbak na “kwitis” sa bahay ni Rodjay Bautista. Agad namang naapula ng mga bumbero ang apoy na dulot ng insidente.
Dagdag pa ni Mayor Weslie Gatchalian, iniutos na niya ang masusing imbestigasyon upang matukoy kung gaano karaming paputok ang itinago at kung may nilabag na batas. Tiniyak din niyang makakatanggap ng tulong ang 17 katao mula sa apat na pamilyang naapektuhan ng pagsabog. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via Valenzuela City/Facebook
#D8TVNews #D8TV
