Tatlong katao ang naaresto matapos mahuli sa aktong nagsasalin ng produktong petrolyo sa isang operasyon ng pulisya sa Quezon nitong Martes ng umaga.
Ayon sa ulat ng Candelaria Municipal Police Station, nahuli ang mga suspek habang nag-a-unload ng methanol mula sa isang ten-wheeler oil tanker na walang plaka at inililipat ito sa mga puting plastik na lalagyan.
Ang methanol ay karaniwang ginagamit bilang industrial solvent at fuel, at sangkap din sa paggawa ng biodiesel.
Ayon kay P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., pansamantalang hepe ng PNP, naging matagumpay ang operasyon dahil sa mahusay na intelligence gathering ng kanilang mga tauhan. “Dahil sa mabilis na aksyon ng Candelaria Police, hindi na nakapagsamantala ang mga kriminal na ito sa kanilang ilegal na gawain,” dagdag pa niya. | via Allan Ortega
