Ipinahayag ng Chairperson ng grupo ng MANIBELA na sila ay magsasagawa ng transport strike sa March-24-26. Ito ay isang protesta laban sa “maling datos” ng mga consolidated jeepeneys ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at Department of Transportation (DOTr)
Ayon kay Mar Valbuena Chairperson ng MANIBELA, sa kanilang press conference iginigiit ni Valbuena na ang datos na nailabas ng LTFRB at DOTr ay mali. Ginigiit pa niya ay sinungaling at dapat nang sibakin ang mga regional director ng LTFRB. Dagdag pa ni Valbuena, dahil sa maling datos na ito hindi na hinayaan pang maextend and consolidation period.
Ito ay alinsunod sa unang datos na nilabas ng LTFRB at ng naunang administrasyon ng DOTr na ayon sa datos nila na 86% na ang sumailalim sa consolidation, ngunit hindi naman ito akma sa datos ni DOTr Secretary Vince Dizon na 43% lamang ang tunay na pasok sa programa. | Photo via bworldonline.com
#D8TVNews #D8TV