Pinabulaanan ng legal counsel ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na pagmamay-ari ng kanyang kliyente ang tatlong air assets na napaulat na nakalabas na ng bansa.
“Si Representative Co, wala siyang minamay-ari na any aircraft,” ani Atty. Ruy Rundain, abogado ni Co.
Ayon kay Atty. Rundain, pagmamay-ari umano ng Misibis Aviation ang air assets na iniuugnay sa dating kongresista.
“I understand that any aircraft related to him is owned by Misibis Aviation. Separate si Mr. Co sa Misibis,” ayon pa sa abogado.
Matatandaang isiniwalat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na mayroong 11 air assets si Co noong Setyembre at kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Oktubre na nakalabas na ng bansa ang tatlo rito. | via Alegria Galimba
