2nd impeachment complaint vs VP Duterte, iniurong ng complainants

Pormal na iuurong ngayong Lunes, March 2, ng mga petitioner, ang inihain nilang ikalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay kasabay ng nakatakdang pagsisimula ng deliberasyon ng House Committee on Justice kaugnay ng mga reklamong impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.

Sa inilabas na pahayag kahapon, sinabi ng civil society group na Tindig Pilipinas na napagpasyahan nilang bawiin ang kanilang reklamo at sa halip ay suportahan ang ikatlong impeachment complaint, dahil naglalaman umano ito ng kaparehong mabibigat na alegasyon at matibay na ebidensya.

Ayon sa grupo, ang pagsasama-sama ng suporta sa ikatlong reklamo ay magpapalakas sa kanilang posisyon at makatutulong upang mas mapabilis ang pag-usad ng kaso patungo sa Senado bilang impeachment court.

Iginiit din ng Tindig Pilipinas na dapat umusad ang proseso ng impeachment sa lalong madaling panahon at hindi maantala ng mga isyung procedural o hindi kinakailangang legal na hakbang.

Sa kanilang pahayag, sinabi rin ng grupo na dapat nang managot si Vice President Duterte sa mga alegasyon ng pandarambong at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Ang ikalawang impeachment complaint, na inihain ng lider ng civil society groups, ay nag-akusa sa Bise Presidente ng culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, at iba pang high crimes. | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *