2nd batch ng PH rescuers, lumipad na patungong Myanmar

Sumakay na ang pangalawang batch ng mga Pilipinong rescuers sa isang C-130 aircraft mula Villamor Air Base, Pasay City patungong Naypyidaw, Myanmar, Miyerkules ng umaga.
Ayon sa Philippine Air Force (PAF), binubuo ito ng 47 personnel mula sa PAF, Bureau of Fire Protection, Department of Health, Department of Environment and Natural Resources, at Office of the Civil Defense.
Nauna nang dumating sa Myanmar ang unang batch ng 58 rescuers noong Martes. Layunin ng mission na magbigay ng medical assistance at iba pang life-saving services sa mga biktima ng lindol.
Pinatunayan ng misyon ang mabilis at epektibong disaster response ng Pilipinas, pati na rin ang matibay nitong suporta sa mga nangangailangan sa rehiyon. | via Lorencris Siarez | Photo via PAF

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *