275K na senior citizens makakatanggap ng P10K cash gift

Mahigit 275,000 senior citizens ang tatanggap ng P10,000 kada isa ngayong taon bilang unang batch ng mga benepisyaryo ng bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong 2024. Ang Republic Act 11982 o “Expanded Centenarians Act of 2024” ay nagbibigay ng financial gift sa mga lolo’t lola na aabot sa edad 80, 85, 90, o 95.
Ayon kay Rep. LRay Villafuerte, P2.95 bilyon ang nakalaan para sa unang rollout ng programang ito. Bukod pa ito sa P100,000 bonus na matatanggap ng mga aabot sa edad 100, alinsunod sa Centenarians Act of 2016.
Noong Pebrero 26, 1,079 senior citizens na ang nakatanggap ng kanilang cash gift sa Malacañang, habang 7,000 pa ang mabibigyan bago matapos ang buwan. Samantala, ang social pension ng mga senior ay nadoble na rin mula P500 ay magiging P1,000 na batay sa RA 11916. | via Lorencris Siarez | Photo via shutterstock.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *