26 barangay, isolated bunsod ng dalawang tulay na hindi madaanan

Nananatiling isolated ang 26 na barangay sa Echague, Isabela nang hindi na madaanan ang Gucab at Annafunan overflow bridges.

Lumagpas na ang taas ng tubig sa red warning markers ng parehong tulay kaya’t mapanganib na itong daanan, ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) Officer Melissa Corpuz.

Aniya, sa kabila ng isolation, walang rescue operations ang naiulat na kinakailangan makaraang magpatupad ng preemptive evacuations sa mga flood-prone areas at low-lying areas bago pa man ang mismong landfall ng bagyo.

Kaugnay nito, tinatayang nasa 1,000 pamilya na may mahigit 3,000 katao ang nanatili sa ga evacuation center sa may Echague.

Sa ngayon, nananatiling walang kuryente ang munisipalidad matapos itumba ng malalakas na hangin ang ilang poste ng kuryente. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *