Aabot sa 2,573 indibidwal ang naaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula Hunyo 2 hanggang Hulyo 23 dahil sa illegal na pagsusugal. Nasa ₱568,992 halaga ng taya ang nasamsam sa 1,119 operasyon sa limang distrito ng NCR kabilang ang Manila, Quezon City, Northern, Eastern, at Southern Police Districts.
Partikular na 270 katao ang nasangkot sa illegal numbers games, kung saan ₱97,160 ang nakumpiskang taya. Ang mga gawaing ito ay labag sa Presidential Decree 1602, na nagpapataw ng mabigat na parusa sa mga aktibidad gaya ng jueteng, sakla, bookie operations, at game fixing.
Panawagan ng NCRPO i-report agad sa 911 ang anumang kahina-hinalang sugal sa inyong lugar. | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV
