Umabot sa 24 barko ng Tsina ang namataan sa Ayungin Shoal bago ang posibleng rotation at resupply mission ng Philippine Navy sa BRP Sierra Madre, ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad. Binubuo ito ng 4 China Coast Guard ships at 20 Chinese maritime militia vessels. Ayon kay Trinidad, ito na ang parehong bilang na namataan nitong mga nakaraang araw.
Huling resupply mission pa noong Hulyo, at bagama’t hindi idinetalye ang susunod, tiniyak ng Navy na hindi nila pababayaan ang mga sundalong naka-deploy sa Sierra Madre.
Matatandaang binalaan ng China ang Pilipinas noong Agosto kaugnay ng umano’y “provocations” sa Ayungin. Noong Enero, nagkasundo ang dalawang bansa sa provisional arrangement para iwasan ang gulo, matapos ang marahas na insidente noong Hunyo 2024.
Ang BRP Sierra Madre, isang barkong pandigma mula World War II, ay nakasadsad sa Ayungin Shoal mula pa 1999 bilang simbolo ng soberanya ng Pilipinas. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV