22 rekomendasyon, inihain ng DMW

Nakabuo ng 22 rekomendasyon ng ligtas na migrasyon at disenteng trabaho ang Department of Migrant Workers o DMW sa ginanap na 18th ASEAN Forum on Migrant Labour Preparatory Workshop sa Pasig City.

Katuwang dito ng DMW ang Department of Labor and Employment, at International Labour Organization. Tampok sa mga rekomendasyon ang paglaban sa mapanlinlang na recruitment, forced labor, at mataas na bayarin sa recruitment at remittance.

Binibigyang-diin din ang karapatan ng migrant workers sa social protection, occupational safety, health, at freedom of association. Ipinanawagan din ang mas mahigpit na pagpapatupad ng batas para protektahan ang mga manggagawa sa ibaโ€™t ibang sektor.

Ayon kay DMW Assistant Secretary Levinson Alcantara, hindi lamang mga OFW ang makikinabang, kundi lahat ng migranteng manggagawa sa ASEAN.

Samantala, nanawagan si DOLE Assistant Secretary Lennard Serrano pagtutulungan sa lahat ng sektor upang maisakatuparan ang mga hangaring ito, isang hakbang tungo sa ligtas, makatao, at makatarungang hanapbuhay. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via PPA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *