Isasailalim sa case build-up ang 21 indibidwal na umano’y sangkot sa anomalya ng flood control project sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng rekomendasyon ng National Bureau of Investigation.
Kabilang sa inilabas na listahan ng DOJ ang mga mambabatas na sina Sen. Chiz Escudero, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy.
Kasama rin dito ang DPWH officials na sina dating Usec. Roberto Bernardo, dating District Engineer Henry Alcantara, mga dating Assistant District Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza at contractor na si Sally Santos.
Ayon pa sa DOJ, base ito sa mga sinumpaang salaysay nina Alcantara, Hernandez, Mendoza at dating Usec. Bernardo.
Paliwanag nila, kung sakaling may iba pang pangalan ang mabanggit, hindi pa ito kikilalanin ng DOJ at NBI hangga’t hindi pa ito nasusumpaan at dumaraan sa tamang proseso. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via DOJ
#D8TVNews #D8TV
