21 priority bills, aprubado na ni PBBM

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 21 priority bills sa ginanap na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting nitong Martes ng umaga.

Kabilang sa mga binigyang prayoridad ng pamahalaan ay ang pag-abolish sa travel tax.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ng pagbabawas ng travel tax sa pagpapalakas ng turismo ng Pilipinas pero malaki rin ang magiging epekto sa pag-abolish nito.

Aprubado rin ni Pangulong Marcos ang Expanded Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act of 2026.

Maging ang mga panukala upang labanan ang fake news at digital disinformation, at ang BARMM Elections para sa mas maayos na pagdaraos ng halalan ay kabilang sa priority bills.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan sa pagpasa ng Anti-Political Dynasty Law, pagsusulong ng CADENA Act, Independent People’s Commission Act, at Party-List System Reform Act.

Target na maipasa ang mga panukala bago ang Hunyo na layuning mabigyan ng proteksyon ang mga mamamayan, at magkaroon ng transparency at pananagutan ang pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *