20k seafarers stranded sa Gulf dahil sa giyera

Stranded ang nasa 20,000 seafarers at 15,000 cruise ship passengers sa Gulf dahil sa giyera sa Middle East, ayon sa International Maritime Organization (IMO).

Inanunsyo ng maritime regulator na itinalaga ang Strait of Hormuz, Gulf of Oman, at Gulf bilang “warlike operations area,” habang nagpapatuloy ang tensyon sa rehiyon.

Simula noong Sabado, nakapagtala ang IMO ng pitong insidente na kinabibilangan ng mga barko sa rehiyon na nagdulot ng dalawang pagkamatay at pitong sugatan.

Ayon kay IMO Sec. Gen. Arsenio Dominguez, bukod sa economic, ito rin ay isang humanitarian issue at nananawagan sa mga shipping companies na maging maingat sa operasyon sa apektadong lugar.

Dahil sa tensyon, ilang shipping companies, kabilang ang Maersk, ang nagsuspinde ng bookings sa Gulf.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *