Nilinaw ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na ilalaan sa mga emergency ang unprogrammed appropriations sa 2026 national budget.
Ito ay matapos tutulan ng ilang oposisyon dahil sa nagagamit lamang umano ito bilang ‘pork barrel.’
Gagamitin ang mga pondong ito sakaling maubos ang pondo ng National Disaster Risk and Management Council dahil sa sunud-sunod na nangyayaring sakuna sa bansa gaya ng mga lindol at bagyo.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Castro na mas iingatan na ang paggasta sa pondo dahil sa isyu ng flood control projects. | via Alegria Galimba
