2026 national budget, pirmado na ni PBBM

Isa nang ganap na batas ang pambansang pondo para sa 2026.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang P6.793-trillion General Appropriations Act o ang Republic Act No. 12314 ngayong araw.

Present sa naturang budget signing sina Senate President Tito Sotto at House Speaker Bojie Dy.

Inabot na ngayong taon ang pagpirma sa budget bill matapos ratipikahan ito ng Kongreso noong December 29.

Dahil dito, pansamantala ring ipinatupad nitong mga unang araw ng 2026 ang reenacted budget.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), nakasentro ang national budget sa human capital development at tunay umanong pangangailangan ng mga Pilipino.

Prayoridad ng pondo ang edukasyon na may P1.345 trilyong budget; kalusugan na may pondong P448.125 bilyon; P297.102 bilyon para sa agrikultura at social services na may pondong P270.189 bilyon.

Dagdag pa ng DBM, nagkaroon din ng pagtaas sa alokasyon ng local government units para suportahan ang kanilang mga programa.

Ipagpapatuloy rin sa 2026 ang pagtaas ng base pay at subsistence allowance para sa military and uniformed personnel alinsunod sa Executive Order No. 107.

Nai-veto rin umano ng Pangulo ang ilang mga item sa unprogrammed appropriations bilang bahagi ng pangako ng administrasyon na responsibilidad at financial accountability. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *