2026 budget, target amyendahan sa susunod na linggo

Target ng Senado na masimulang amyendahan ang 2026 national budget sa susunod na linggo.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Senator Sherwin Gatchalian, nagkaroon lamang ng kaunting pagbabago sa schedule kaya sa Lunes, December 1, na lamang ito sisimulan.

Aniya, bunsod ito ng marami pang mambabatas at government agencies na patuloy na nagsusumite ng kanilang amendments.

Ngayong araw naman inaasahang matatapos ang usapin sa budget ng mga ahensya ng gobyerno, ang ikalawang pagbasa ay target sa December 3, at sa December 9 naman ang ikatlong pagbasa. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *